Friday, June 12, 2015

Kasalayang Bayan isasagawa ng LGU Malay ngayong Hunyo

Posted June 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Kasalang BayanTanyag ang buwan ng Hunyo bilang weeding month, kung kayat magkakaroon ngayong darating na Sabado ng Kasalang Bayan ang LGU Malay.

Ayon kay Municipal Civil Registrar Diovina Santea, ito umano ay bukas para sa lahat ng mga taga Boracay at Malay na gustong magpakasal sa nasabing Kasalang Bayan na gaganapin sa Malay Activity Center sa Hunyo 21.

Dahil dito may-nakatakda umano silang Pre-Marriage Counseling bilang Pre-Requisite upang ma-secure ang marriage license para sa Kasalang Bayan ng mga aplikante.

Sa darating na Hunyo 19 umano ay nakatakdang isagawa ang Pre-Marriage Counseling sa Balabag Barangay Hall para sa mga aplikante ng Boracay at sa Malay naman ay sa darating na Hunyo 17 sa Training Center sa Brgy. Balusbos.

Samantala, si Mayor John Yap ang siyang mangunguna sa nasabing espesyal na araw na ito kung saan siya ang kakasal sa mga aplikante ng Kasalang Bayan.

No comments:

Post a Comment