Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa Special Holiday ngayong Lunes Hunyo 15 ang Malay para alalahanin ang naging paglagda sa Republic Act 381 na lumikha sa Municipality ng Malay at sa seperasyon nito sa Buruanga.
Ito ay para ipaalam din sa mga kabataan ngayon ang history ng nasabing bayan at kilalanin kung sino-sinong mga tao ang naging pioneer at naghirap para sa separation ng Malay bilang independent town mula Buruanga.
Nabatid na ang seperasyon ng Malay sa Buruanga, Aklan ay nilagdaan noong Hunyo 15, 1949 ni nooy dating Pangulong Elpedio Quirno.
Dahil dito taon-taon ng idiniklarang Special Holiday ng Malay ang Hunyo 15 para alalahanin at bigyang pagpupugay ang mga founders, pioneer, heroes at leaders ng nasabing bayan.
Samantala, isang makulay na selebrasyon at programa ang ihahandog ng LGU Malay ngayong Lunes na tinawag na Malay Day.
No comments:
Post a Comment