YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 10, 2015

Ati Village sa Boracay naipatayuan na ng 30 bahay

Posted June 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Boracay Ati VillageTatlumpung bahay na umano ang naipatayo sa Ati Village sa isla ng Boracay sa tulong ng ibat-ibang concern agencies at ng gobyerno.

Ito ang ibinalita ng mga katutubong Ati sa kanilang pagdalo sa ginanap na 20th Sangguniang Bayan (SB) Session ng Malay kaninang umaga.

Nabatid na ang pagdalo ng mga Ati sa nasabing Session ay upang ibahagi sa mga Konsehales ang kanilang mga naipagawang proyekto at programa sa tulong ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Maliban dito humiling din ang mga Ati sa SB Malay sa pamamagitan ni Atty. Leilene Marie Gallardo-Regional Director ng NCIP-Antique/Aklan Community Service na kung maaari ay tulungan sila sa financial assistance para sa pagsasaayos ng kanilang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT).

Samantala, tugon naman ng SB Malay gagawa sila ngayon ng mga hakbang at agarang aksyon upang maisakatuparan ang kahilingan ng mga Ati sa Boracay.

No comments:

Post a Comment