Saturday, June 13, 2015

COMELEC-Malay huling arangkada nalang ngayon sa biometrics registration sa Balabag

Posted June 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ngayong araw nalang ang huling Biometrics Registration ng Commission on Election (COMELEC) Malay para sa mga taga Brgy. Balabag isla ng Boracay.

Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, marami-rami na rin umano ang mga botanteng nagparehistro sa kanilang isinagawang biometrics registration sa Balabag simula noong Hunyo 8.

Sinabi nito na maraming mga botante sa ibat-ibang Brgy. sa Malay ang wala pang biometrics kung kayat sila nalang umano ang dumadayo sa mga nasabing lugar upang ng sa gayon ay ang lahat ay makakaboto sa darating na halalan.

Kaugnay nito hinihikayat pa ni Cahilig ang lahat ng hindi pa nakaparehistro na kung maaari ay maghabol sa nasabing biometrics registration.

Samantala, ngayon din umanong Hunyo ay itinakdang schedule of registration sa Brgy. Manoc-Manoc sa Boracay.

No comments:

Post a Comment