Wednesday, June 03, 2015

Truck, inararo ang tricycle at bisekleta sa Ibajay, Aklan, tatlo, patay

Posted June 3, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for accidentHinahanapan na ngayon ng paraan ng Ibajay PNP na makuha ang truck na tumagilid sa Barangay Ondoy, Ibajay, Aklan.

Kasabay nito, nilinaw din ng Ibajay PNP na maaaring naidlip ang driver ng truck na si William Pinggoy kung kaya’t nabangga nito ang tricycle at bisikleta na ikinasawi ng tatlong katao.

Ayon kay PO2 Ian Sastre ng Ibajay PNP, unang nabangga ng 6 wheeler truck ang tricycle na minamaneho ng biktimang si Clemente Enerio ng Antipolo, Ibajay kung saan malubha ring nasugatan ang pasahero niyang si Profetiza Borres ng Ondoy, Ibajay, Aklan.

Sinunggaban din nito ang nagbibisekletang si Nicanor Fuentes ng nasabi ring lugar, bago bumangga sa poste ng kuryente at isang Elf truck doon.

Dahil dito, DOA o Dead on Arrival sa ospital ang biktimang si Enerio habang sa ospital na binawian ng buhay sina Profetisa at Fuentes.

Samantala, sinasabing sugatan din ang back rider ng tricycle na si Krisdel Carmen habang dalawa pang minor de edad ang nadamay sa nasabing aksidente.

No comments:

Post a Comment