Posted June 3, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
www.facebook.com |
Lumulobo na ang nakiisa sa On line Petition laban sa isang
commercial expansion sa Puka Beach Boracay.
Base sa ikinasang online petition ng isang environment
advocate na Friends of the Flying Foxes, nabatid na umabot na sa 8,555 ang mga sumusuporta
upang maisalba sa pagkasira ang natitirang gubat doon.
Giit ng nasabing grupo, tahanan ng mga endangered species
katulad ng mga malalaking paniki o flying foxes ang nasabing gubat.
Ang mga flying foxes ang uri ng hayop sa lugar ang
sinasabing responsable sa reforestation dahil sa mga butong naikakalat nila
mula sa mga punong kahoy.
Nakakatulong rin umano ang mga ito sa pagpapanatili ng
malusog na ‘ecosystem’ ng Boracay at Northwest Panay Peninsula.
Nabatid na bumama na sa 2,238 ang bilang ng mga ‘Flying
Foxes’ nitong April 8, 2014, mula sa 15, 000 noong taong 1986.
Samantala, maliban sa mga online petitioners, nabatid na
gumagawa naman ngayon ng ingay ang mga lokal na residente at nagmamalasakit sa
isla laban sa itinatayong hotel sa Puka Beach sa Barangay Yapak.
Tampok dito ang 426 hotel rooms at 77 underwater hotel
rooms na may mga aquarium windows.
Base sa isang pahayag, sinabi ni Western Visayas
Environmental Management Bureau (EMB-6) Regional Director Atty. Jonathan Bulos
na hindi pa naisyuhan ng ECC o Environmental Compliance Certificate ang
nasabing proyekto.
No comments:
Post a Comment