Tuesday, June 02, 2015

Rate Adjustment ng BIWC tinalakay sa isinagawang public information and communication

Posted June 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Boracay island water companyDinaluhan ng ibat-ibang pribadong sektor at mamamayan sa Boracay ang ginawang Public Information and Communication on Rate Adjustment ng BIWC at TIEZA kaninang umaga.

Sa nasabing pagpupulong tinalakay ang bagong adjustment sa singil ng tubig ng Boracay Island Water Company (BIWC) at Tourism Infrastructure Economic Zone Authority (TIEZA) para sa isla.

Bagamat may bahagyang pagtaas ng singil sa tubig iginiit naman ng BIWC na may sapat silang dahilan kung bakit sila nagkaroon ng rate adjustment.

Ayon kay BIWC General Manager Mike Santos, ang suplay umano ng tubig sa Boracay ay nanggagaling pa sa Nabaoy River sa mainland Malay kung saan ginagamitan pa umano nila ito ng Submarine piping system na idinadaan pa sa ilalim ng tubig patawid ng Boracay.

Sa ngayon din umano ay dumarami na ang mga gumagamit ng tubig sa isla dahil sa kaliwat kanang pagpapatayo ng mga establisyemento.

Sinabi din nito na kung noong buwan ng Marso ang nagagamit lamang na cubic meters ng tubig ay 14, 000 bawat araw ngayon umano ay tumaas na ito sa 16,000 cubic meters.

Samantala, inaasahang isang pagpupulong pa ang magaganap matapos na hilingin ng ilan sa mga dumalo na kung papaano talaga ang ginawang pag-aaral at karagdang dahilan kung bakit mataas ang singil ng tubig sa Boracay.

No comments:

Post a Comment