Posted June 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Matapos sumabog ang balita at reklamo laban kay Police
Regional Office (PRO) 6 Director C/Supt. Josephus Angan naglabas na rin ito ng
kanyang pahayag.
Ayon kay Angan hindi totoo na mayroong inilaang budget
para sa cash allowance ang mga pulis na idineploy sa Boracay sa ginanap na Asia
Pacific Economic Cooperation (APEC) ministerial meeting nitong buwan ng Mayo.
Sinabi nito na nagkataon lang na na-delay ang paghahanda
ng pagkain ng caterer para sa mga pulis kung kayat binigyan na lamang umano
sila ng budget sa unang araw ng kanilang augmentation.
Itinanggi naman ng opisyal na ang kanyang misis ang
nagmamay-ari ng caterer sa Boracay taliwas sa sinasabing ang asawa nito ang
namamahala sa mga caterer para sa mga pulis.
Idiniin din ni Angan na ang kanilang kagustuhang
pagpapa-cater ay base na rin umano sa mandato ng Commission on Audit (COA).
Sa ngayon ipinahanda na ni General Angan ang Finance at
Comptroller Division sa PRO-6 ng liquidation para maipasa sa PNP National
Headquarters sa Kampo Crame matapos na tawagin ang atensyon nito ni Public
Information Officer chief S/Supt. Bartolome Tobias tungkol sa nasabing isyu.
Matatandaang maraming mga pulis ang lumabas ng kanilang
sama ng loob laban kay Angan dahil sa sinasabing pag-ipit umano ng kanilang
cash allowance ng ma deploy ang mga ito sa Boracay sa loob ng tatlong linggo
para sa naturang meeting.
No comments:
Post a Comment