Posted June 4, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Subali’t patuloy parin itong umaani ng papuri partikular
sa mga netizens sa isla matapos mabuhay muli ang usapin.
Magugunitang naging laman din ng mga pahayagan ang
tagumpay na nakamit ng Boracay dahil na ungusan nito ang bansang Thailand na
may 1,223 participants na siyang may hawak dati ng Longest Chain Massage ng Guinness
Book of World Records.
Saksi din kasi hindi lamang ang mga turista, mga taga
MEDIA, Department of Health, kungdi kinatawan mismo ng Guiness nang umabot sa 1,600
massage therapists and clients ang nagmasahe sa long beach ng Boracay noong May
16, 2015.
Maliban dito, sinabi din noon ni Malay Chief Tourism
Officer Felix Delos Santos na nasa dalawang libong masahista ang nais lumahok
noon, subali’t nilimitahan lamang ito sa 1, 600 dahil sa kulang na ang space sa
long beach dulot ng high tide.
Samantala, hinihintay na lamang din ngayon ng Tourism
Office ang opisyal na resulta ng nasabing world record breaking attempt.
No comments:
Post a Comment