Wednesday, June 03, 2015

Bumubuo ng APEC Task Force pinasalamatan ni SB Gallenero dahil sa tagumpay ng meeting

Posted June 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Malay APEC TASK FORCESa kaniyang naging privilege speech sa SB Session ng Malay kahapon, pinasalamatan ni SB Member Jupiter Gallenero ang mga bumubuo ng Malay APEC Task Force.

Ito ay dahil sa naging matagumpay umano ang idinaos na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Ministerial meeting sa Boracay nitong buwan ng Mayo.

Ayon sa Konsehal hindi sila nakapagtala ng major incidents sa kPasagdagan ng APEC sa Boracay dahil din umano sa pagpapaigting ng seguridad ng lahat ng law enforcers.

Maliban dito binati din umano sila ni National Organizing Committee Undersecretary Mariano Paynor Sr. dahil sa pagtulong naman sa mga taga NOC.

Sinabi umano sa kanila ni Paynor na ang Boracay ang pinakamaganda sa lahat ng APEC venues sa bansa dahil sa magandang accommodation nito sa mga delegado at APEC Officials.

Dagdag pa ni Gallenero, naging maganda umano ang ginawang adjustment sa traffic sa tulong na rin ng Philippine National Police (PNP), Municipal Auxiliary Police (MAP) at lalo na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na itinalaga pa mula sa Maynila para sa APEC sa Boracay.

Pagtatapos ni Gallenero kung kinaya umano nila ang pag-host ng nasabing meeting sinisigurado din umano nito na kaya rin nilang mag-host ng malalaki pang event sa Boracay.

No comments:

Post a Comment