Monday, June 01, 2015

Lalaking dumalo sa sayawan sa Cubay Sur, Malay, Aklan, nasaksak

Posted June 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for nasaksakIsang lalaking dumalo sa sayawan sa Cubay Sur, Malay, Aklan ang nasaksak kahapon ng madaling araw.

Base sa report ng Malay PNP, napansin mismo ni Cubay Sur Barangay Captain Neil Quintin ang biktimang si Jony Cadahing, 19 anyos ng Laserna Nabas na nagpapaantok sa isang tabi habang ginaganap ang sayawan.

Subali’t nilapitan umano ng suspek na si Willie Valliente, 39 anyos ng San Vicente, Culasi Antique ang biktima at pasimpleng sinaksak sa likuran.

Nakumpirma lamang ng kapitan na nasaksak nga ang biktima nang lapitan niya ito.
Samantala, kaagad namang nahabol ng barangay tanod, ilang residente at pulis sa lugar ang suspek, resulta ng kanyang pagkakaaresto.

Isa sa tinitingnang rason ng mga otoridad sa pananaksak ang posibleng dating alitan ng dalawa.

No comments:

Post a Comment