Monday, June 01, 2015

Staff ng isang resort sa Barangay Balabag, Boracay, nasaksak

Posted June 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for sinaksakHindi na muna makakapasok ngayon sa trabaho ang isang staff ng isang resort sa Barangay Balabag.

Isinugod kasi ito sa ospital matapos masaksak sa mainroad ng Station 1 Boracay kaninang mag-aalas 3:00 ng madaling araw.

Base sa report ng Boracay PNP, naghihintay ng masasakyang tricyle ang biktimang si Federic Galache, 21 anyos kasama ang kanyang kasintahan nang may lumapit umano sa kanilang tatlong kalalakihan.

Isa sa mga hindi nakilalang suspek ang sinasabing lumapit at sumuntok na sinundan pa ng saksak sa biktima.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa kanang tagiliran ang biktima na kaagad namang isinugod sa ospital.

Kaagad tumakas ang tatlong suspek matapos ang insidente.

No comments:

Post a Comment