Posted June 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinasasagot ngayon ni PNP Public Information Officer
chief S/Supt. Bartolome Tobias ang pamunuan ng Police Regional Office 6 (PRO6).
Ito ay kaugnay sa pumutok na balitang nagreklamo ang mga
pulis sa umano’y pag-ipit ng kanilang allowance nang ma-deploy ang mga ito sa
Boracay dahil sa ginanap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit
ministerial meeting nitong nakaraang buwan ng Mayo.
Mismong si Tobias ang tumawag sa atensyon ng regional
office kaugnay sa kontrobersiya matapos lumantad ang ilang mga pulis na
tumanggi namang magbigay ng kanilang pangalan.
Nabatid na natuklasan na mayroong palang allowance na
inilaan sa mga pulis ngunit hindi ito ibinigay sa kanila sa halip ay kumuha
umano ng caterer ang PRO6 na sinasabing pinamamahalaan ng misis ni PRO6
director C/Supt. Josephus Angan.
Sa naging panayam naman ng YES FM Boracay kay Information
Officer Region 6 at itinalagang Official Spokesperson for APEC Police Inspector
Shiela Mae Sangrines, Sinabi nito na mahigpit na ipinagbabawal ng PNP ang
pagbibigy ng additional cash allowances sa mga pulis sa oras ng kanilang
operasyon sa Boracay dahil ito umano ay isang violation.
Base pa sa mga kumakalat na kwento palagi umanong huli
kung dumating ang pack lunch mula sa ibat-ibang caterer sa Boracay na
sinasabing kadalasan ay napapanis na at kakaunti pa.
Maliban dito may mga pulis na bumili nalang ng kanilang sariling
rice cooker para makapagluto sa kanilang billeting area gamit ang kanilang
sariling pera kung saan may nagsasabi naman na pinapagalitan sila kung
nakikitang kumakain sa mga restaurant.
Samantala, daing pa ng mga pulis na nauubos ang kanilang
pera, at may kamahalaan ang mga pagkain sa Boracay at kanya-kanya din umano
silang pamasahe pauwi matapos ang deployment ng halos tatlong linggo para sa
pagpapagiting ng seguridad sa naturang meeting.
No comments:
Post a Comment