Posted June 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Maaga pa lamang kanina nang sumabak sa pag-pump ng tubig
ang ilang taga BSWAT o Boracay Solid Waste Action Team.
Binaha na naman kasi ang ilang mababang lugar sa isla ng
Boracay dahil sa malakas na ulan kaninang madaling araw.
Pasado alas singko kaninang umaga nang i-pump ng BSWAT
ang tubig-baha sa main road ng Sitio Pinaungon sa Barangay Balabag na nagdulot
ng malaking abala sa mga biyahero.
Napag-alamang naghiyawan ang mga napapadaan sa lugar
kanina dahil sa ilang sasakyang saglit na nastranded dahil sa mataas na
tubig-baha.
Maliban sa binahang kalsada sa Sitio Pinaungon at ilang
bahagi ng station 2 main road, nabatid na muli ring binaha ang access road
palabas sa beach front ng Sitio Manggayad.
Nagpasalamat naman ang ilang residente sa isla na tapos
na ang APEC Ministerial meeting bago muling bahain ang mga nasabing lugar.
No comments:
Post a Comment