YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 02, 2015

DepEd Malay nagsagwa ng monitoring sa unang araw ng pasukan kahapon

Posted June 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Back to schoolNagsagawa ng pag-iikot sa mga paaralan sa bayan ng Malay ang Department of Education (DepEd) ng nasabing distrito sa unang araw ng pasukan kahapon.

Ito ay para kamustahin ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik eskwela at upang malaman kung mayroong mga problema na kailangang agad bigyan ng solusyon.

Ayon kay Malay District Supervisor Jessie Flores, taon-taon umano nila itong ginagawa lalo na sa unang araw ng pagbubukas ng klase dahil dito umano nila makikita kung mayroong pagkukulang sa mga upuan at silid-aralan depindi sa kung gaano kadaming mag-aaral ang nag-enroll.

Maliban dito nais ring malaman ni Flores ang impact sa mga mag-aaral ng bagong K-12 program na ipinatupad ng DepEd.

Kaugnay nito inaasahan pa umano nila na maraming mga batang mag-aaral ang maghahabol para makapag-enroll ngayong pasukan.

Samantala, hinikayat naman ng DepEd Malay ang lahat ng mga magulang na ipasok ang kanilang mga anak na out of school youth sa mga paaralan lalo na at wala namang bayad ang magpa-enroll.

No comments:

Post a Comment