Monday, June 01, 2015

Insidente ng pagnanakaw, naitala sa BTAC sa unang araw ng Hunyo

Posted June 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for Boracay PNPMasaya ngayon ang mga mag-aaral sa isla ng Boracay dahil sa pagbubukas ng klase ngayong araw.

Subali’t sakit sa ulo naman ang sumalubong sa mga taga BTAC o Boracay Assistance Center.

Isang insidente kasi ng pagnanakaw ang naitala ngayong unang araw ng Hunyo kung saan biktima ang isang turistang Taiwanese.

Base sa police report ng Boracay PNP, nangyari ang insidente kaninang madaling araw sa Station 3 Manoc-manoc Boracay habang kumukuha ng litrato doon ang biktimang si Hu Ya Yuan at ang kanyang mga kasama.

Ipinatong lamang umano nito ang kanyang bag sa buhanginan, subali’t nawala na lamang ito makalipas ang ilang sandali.

Kuwento pa ng turista sa himpilan ng pulisya, isang lalaki ang lumapit umano sa kinalalagyan ng bag, subali’t hindi nila ito pinansin.

Naglalaman umano ang bag ng isang Iphone 5, tatlong libong piso, key card ng hotel, sun block at tatlong kaha ng sigarilyo.

No comments:

Post a Comment