Tuesday, June 02, 2015

Imahe ng Mother of Life na idinaan sa Boracay, nasa bayan na ng Malay

Posted June 2, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nasa St. Joseph the Worker Parish sa bayan ng Malay na ngayon ang imahen ng Mother of Life.

Ito ang kinumpirma ni Holy Rosary Parish Boracay Priest Moderator Father 'Nonoy' Crisostomo matapos ang mahigit dalawang araw na pamamalagi ng imahe sa isla ng Boracay.

Ayon pa kay Father Nonoy, galing ang ‘Mother of Life’ image sa lalawigan ng Antique bago ito dumating sa Boracay nitong a 30 ng Mayo na masayang sinalubong ng mga Katekista.

Napag-alaman din mula kay Father ‘Nonoy’ na kasalukuyang iniikot ang imahe sa buong bansa bilang bahagi ng ika-50 taong anibersayo ng Mother of Life School.

Samantala, mensahe naman umano ng pagbisita sa iba’t-ibang parokya ngayon ng imahe na siya ring imahe ng Birheng Maria na makinig ang lahat sa mga utos ng Panginoong Hesu Kristo.

Nabati naman na idinaan din ang nasabing imahe sa Parokya ni San Antonio de Padua bago ito idineretso sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment