Thursday, June 04, 2015

Babae sa Boracay, sinuntok dahil ayaw sa Pinoy na customer

Posted June 4, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Sinuntok na sa mata, hinila pa ang buhok palabas ng bar.

Ito ang sinapit ng 22 anyos na babae matapos umano nitong tanggihan ang isang Pinoy na customer.

Nangyari ang panununtok sa biktima alas 4:30 kaninang madaling araw sa isang bar sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc.

Sumbong ng babae sa mga pulis, nilapitan umano siya ng hindi nakilalang lalaki at akmang yayakapin, subali’t binara niya ito agad sa pagsasabing ayaw niya sa Pinoy na customer, bagay na sinuntok siya ng lalaki sa kanang mata.

Samantala, hindi na rin niya nakita pa ang lalaki matapos ang insidente, kung kaya’t minarapat na lamang niyang tumungo sa Boracay PNP Station.

No comments:

Post a Comment