Wednesday, June 03, 2015

Pagbubukas ng klase sa Aklan, naging mapayapa

Posted June 3, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Naging mapayapa ang pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa Aklan.

Ito ang kinumpirma ni Aklan Schools Division Superintendent Dr. Jessie Gomez base na rin umano sa mga report mula sa mga paaralan sa Aklan.

Bagama’t sa isang panayam, kinumpirma din ni Gomez na may mga paaralan paring patuloy na inaayos matapos itong salantain ng Bagyong Yolanda.

Kaya naman base sa report, sinabi pa ni Gomez na may mga humahawak ng klase sa labas ng classroom at entablado.

Sa kabila nito, ikinatuwa naman ni Gomez na pawang naka school uniform ang mga mag-aaral at maging ang mga guro sa unang araw ng pagbubukas ng klase.

Samantala, iginiit din nito na hanggang Biyernes lamang ang enrollment ng mga mag-aaral, subali’t tatanggapin parin ang mga huling magpapa-enroll bilang ‘late enrollees’.

No comments:

Post a Comment