YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 01, 2015

B.U.S.T.E.R. Patrollers, patuloy ang ‘all out war’ laban sa mga illegal commissioners sa isla

Posted June 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for B.U.S.T.E.R. Patrollers sa Boracay
Tapos na ang APEC o Asia Pacific Economic Cooperation Ministerial meeting sa isla ng Boracay.


Subali’t patuloy parin ang ‘all out war’ ng mga B.U.S.T.E.R. Patrollers laban sa mga illegal commissioners sa isla.

Katunayan, patuloy paring nakukumpiska lalo na ang mga kapulisan ng mga illegal brochures na ginagamit ng mga illegal commissioners sa kanilang pang-aalok sa mga turista.

Sa ipinakitang brochures na nakumpiska nito lamang nakaraang araw, nabatid na nakakapanlumo at magkaiba ang presyo ng ilan sa mga nakalagay na activities doon.

Umaabot kasi sa trenta mil pesos ang halagang babayaran para sa tatlong oras kapag gumamit ka ng malaking bangka sa pag-a-island hopping, habang meron namang dose mil pesos.

Kasama pa sa nakumpiskang brochure ang magkaibang presyo ng Fish Feeding at Snorkeling na umaabot sa P5, 500.00 ang indibidwal na babayaran, habang P4, 500.00 naman ang sa isa.

Samantala, sa pag-iimbistiga naman ng himpilang ito, may mga nagsasabing depende sa ‘package’ na kukunin ng guests ang halagang kanilang babayaran.

Magkaganon paman, iginiit parin ng mga kapulisan na ilegal ang mga nasabing brochure kung kaya’t patuloy nila itong kukumpiskahin.

No comments:

Post a Comment