Posted June 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Photo Credit to Boracay PNP |
Sinasabing masipag, mabilis magresponde at laging nakaalisto
ang mga pulis sa isla ng Boracay.
Subali’t maliban dito, nabatid na magagaling din pala ang
mga itong sumayaw.
Humataw kasi ang mga ito kanina ng sayaw sa pamamagitan ng Dancercise,
ang pinaghalong sayaw o dance at exercise o ehersisyo sa mismong harapan ng
Boracay PNP Station.
Bandang alas 6:00 nitong umaga, pinangunahan ni Boracay PNP
Chief PSInsp. Frensy Andrade ang mahigit 40 mga pulis sa Dancercise.
Makalipas ang mahigit kumulang 20 minutong pagpapawis,
kapansin-pansing masaya ang mga pulis dahil tumagaktak ang kanilang mga pawis at lumakas umano ang kanilang pakiramdam.
Ayon sa mga pulis, mahalaga ang pag-eehersisyo upang
mapangalagaan ang kalusugan.
Samantala, napapangiti naman ang mga tursistang napapadaan
sa Boracay PNP Station habang pinapanood ang mga pulis na humahataw sa Dancercise.
No comments:
Post a Comment