Monday, November 14, 2016

E-Trike, nais ipinatupad sa bayan ng Kalibo

Posted November 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for etrikeNagpaabot ngayon ang kagawaran ng Department of Energy-Visayas na magkaroon ng E-trike o Electronic Tricycle bilang “Tourist Eco-Shuttle” sa bayan ng Kalibo.

Binigyan ng pagkakataon para maibahagi ang plano ng Department of Energy (DOE) sa paglunsad ng naturang proyekto  ginanap na sesyon sa Sangguniang Bayan ng  Kalibo.

Ibinahagi nila dito ang presyo ng nasabing e-trike kung saan meron na umano silang 1, 800 unit na e-trike mula sa kompanya ng BEMAC sa Cavite.

Samantala, narito ang grupo ng DOE  upang magsagawa ng feasibility study sa lugar kung saan nagsagawa narin sila ng initial assessment sa ilang tricycle drivers’ association.

Itong usapin ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng SB Kalibo.

No comments:

Post a Comment