Thursday, November 17, 2016

“Legend of the Seas” muling dadaong sa isla ng Boracay

Posted November 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Image result for ms legend of the seasMuling dadaong sa isla ng Boracay ang barkong “Legend of the Seas” ng isang international cruise liner.

AyonkayDepartment of Tourism (DOT)-Boracayhead Kristoffer Leo Vellete, sa Nobyembre 22 nakatakdang dumaong ang naturang cruise ship sakay ang tinatayang 3,000 pasahero at crew nito.

Nabatid na noong buwan ng Agosto 2015 ng huling masilayan ang naturang barko sa isla.
Kaugnay nito, ang pagdaong ng cruise ship ay isa sa magbibigay ng pagtaas ng antas ng turismo sa sikat na isla ng Boracay.

Nabatid, nitong nakaraang linggo ay naging matagumpay ang pag­daong ng Japanese cruise ship na MS Pacific Venus sa Boracay sa kauna-unahang pagkakataon.

Samantala, ang Legend of the Seas ay pang-12 cruise ship na dadaong sa isla ngayong 2016.

No comments:

Post a Comment