Friday, November 18, 2016

Turista , nagtalik umano sa baybayin ng Boracay; kulong

Posted November 18, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Dumulog sa himpilan ng mga pulis ang kinilalang si Aldwin Pascua Mauricio, 32- anyos, isang Immigration Officer, native ng Catanduanes at temporaryong nanunuluyan sa isang hotel sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.

Ayon sa report nito sa Boracay PNP, nakita niya umano ang dalawang turista sa may baybayin na isang British at Italian national kung saan nakakandong umano ang babae sa lalaki habang pareho silang nakahubad at marahil umano ay nagtatalik nilapitan naman niya ito at sinabihan na itigil nila ang kanilang ginagawa.

Nabatid na nagtungo pa umano ang dalawa malapit sa baybayin at inasar pa ang immigration officer.

Dahil dito, tinawag ng lalaki ang atensyon ng mga pulis at i-nereklamo ang mga ito.

Sa ngayon ay pansamantalang ikinustodiya ang dalawang turista sa himpilan ng Boracay PNP station.

No comments:

Post a Comment