Monday, November 14, 2016

Dalawang maintenance staff ng isang resort, kulong matapos pagnakawan ang guest

Posted November 14, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for kulongNasa kustodiya na ngayon ng mga pulis ang dalawang suspek, matapos arestuhin sa kasong pagnanakaw sa mismong resort na pinagtatrabahuhan  ng mga ito sa Station 1 Brgy. Balabag, Boracay.

Kinilala ang nagreklamong biktima na si Berdandino Servaz Navarro, 41-anyos, isang cameraman, residente ng San Pablo City, Laguna at pansamantalang nanunuluyan sa naturang resort.

Base sa salaysay ng biktima sa Boracay PNP, napansin niya nalang na nawawala na ang kanyang wallet sa loob ng kanyang kwarto kung saan sa kanyang paghahanap dito laking gulat nalang niya ng makita niyang nasa veranda na ito ng resort.

Kaagad naman niya itong tsenik, subalit wala na ang laman ng kanyang wallet na may lamang pera na nagkakahalaga ng anim na libo.

Dahil dito, nagsagawa ng imbestigasyon ang naturang resort sa pamamagitan ng pagreview sa CCTV footage.

At dito nga nakilala ang mga suspek na siyang kumuha ng wallet na agad namang inamin ng mga ito.

Sa ngayon ay pansamantalang naka-kulong ang dalawang suspek dahil sa nagawang kasalanan.

No comments:

Post a Comment