Thursday, November 17, 2016

Bahay, nilooban ng magnanakaw

Posted November 17, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for theft
Dumulog sa Boracay PNP ang biktima na si Geoffrey Seraspi Salem, 34-anyos, residente ng Banga, Aklan matapos umanong nilooban sila ng magnanakaw sa Sitio Bantud, Manoc- Manoc, Boracay.

Dahil dito, agad niyang ipinaalam sa kanyang kasama na kinilalang si Roderic Ricaforte ang nangyari kung saan dito na naalarma ang kanyang kasama dahil nawawala rin ang kanyang cellphone, kuwintas, wallet na may lamang anim na libo, kasama ang mga importanteng ID, bag, charger at mga litrato na nakuha sa kanyang kwarto.

Samantala, napagtanto ng biktima na sarado naman ang kanilang pinto subalit ang kanilang bintana ay bukas na ng sila ay magising, at pinaniniwalaang dito dumaan ang suspek sa pagnanakaw.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon Boracay Tourist Action Center (BTAC) hinggil sa nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment