Tuesday, November 15, 2016

MDRRMO, magsasagawa ng ICS Training bilang paghahanda sa ibat-ibang kalamidad

Posted November 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for mdrrmo malayBukas, araw na Miyerkules, magsasagawa ng Basic Incident Command System (ICS) Training ang Municipal Risk Reduction Management Office (MDRRMO) bilang paghahanda sa mga iba’t-ibang insidente partikular sa maaring kalamidad na mangyari sa ating bansa lalo na isla ng Boracay.

Ayon kay Catherine Ong Fulgencio ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Malay, layunin umano ng nasabing training ay para matulungan ang publiko sa kanilang kakayahan sakaling magkaroon ng mga sakuna, gayundin maging handa ang mga ito na ma-protektahan ang kanilang buhay.

Dagdag pa nito, itong training ay bilang  narin sa gaganaping ASEAN summit sa isla ng Boracay sa taong 2017.

Samantala, inaasahan namang dadalo sa naturang training ay ang ibat-ibang Head ng Municipal Government Offices sa Malay na kinabibilangan ng PNP, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine Maritime, Consultant ng ibat-ibang grupo katulad ng Boracay Action Group, Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers, Transportation group at iba pang mga kooperatiba.

Nabatid na tatlong araw ang gaganaping training kung saan magsisimula ito bukas Nobyembre 16 at magtatapos naman hapon Nobyembre 18 sa La Carmela De Boracay.

No comments:

Post a Comment