Monday, November 14, 2016

MOA signing ng drainage management ng BIWC, naging matagumpay

Posted November 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Naging matagumpay at makulay ang aktibidad na naganap sa Memorandum of Agreement (MOA) signing sa gitna ng Lokal na pamahalaan ng Malay, Boracay Water Company (BIWC), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Department of Tourism (DOT), Boracay Foundation Incorporated (BFI), Philippine Chamber of Commerce and Industry-Boracay (PCCI) at ang Probinsya ng Aklan sa pamamagitan ni Governor Joeben Miraflores.

Nabatid na itong isinagawang MOA signing ng mga ibat-ibang sector sa Boracay ay para sa Phase 1 drainage management ng Boracay Water Company ().

Isang seryosong usapin umano ito upang maaayos ang kapaligiran at maalagaan ng tama ang paggamit ng tubig sa isla.

Nagpa-abot naman ang bawat kampo ng kanilang pakikipag-ugnayan at pagsuporta sa naturang proyekto.

Samantala, itong hakbang ng BIWC kasama ang mga kumpanyang binanggit ay may  kaniya-kaniyang mga responsibilidad na gagawin para sa naturang proyekto. Kung saan ang isa na dito ay kung sino ang kanilang mahuhuling may illegal connection sa drainage system ay kanilang –ire-report sa opisina ng BIWC.


Kaugnay nito, abangan naman ang Phase 2 na kanilang gagawin bilang bahagi ng proyektop ng BIWC para sa drainage management sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment