Monday, November 14, 2016

Contractor na may kasong Robbery,arestado sa Boracay

Posted November 14, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for wanted personArestado ang ika- limang most wanted person sa Aklan matapos magsagawa ng manhunt operation kahapon ang mga kapulisan.

Kinilala ang suspek na si Ali Rentillo Dela Cruz, 40 anyo, residente ng Brgy. Mabilo, New Washington at temporaryong nakatira sa Sitio Pinaungon, Brgy. Balabag, Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, ang akusado ay may kasong Robbery sa ilalim ng Criminal case No. 9917, na inisyu ni Hon. Jemena Abellar Arbis, Presiding Judge, Regional Trial Court, 6th Judicial Region, BRANCH 6, Noong July 11, 2011.

Samantala, P24, 000.00 ang inerekomendang piyansa sa akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan. 

No comments:

Post a Comment