Friday, November 18, 2016

ICS Training ng MDRRMO bilang paghahanda sa kalamidad, nagtapos na ngayong araw

Posted November 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Nagtapos na ang tatlong araw na Basic Incident Command System (ICS) Training ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa paghahanda sa mga ibat-ibang insidente, kalamidad sa Malay at Boracay.

Nabatid kay Catherine Ong Fulgencio ng MDRRMO Malay, malaki umanong tulong itong training ng kanilang opisina dahil hangad nitong matulungan ang mga tao lalo na sa maaring kalamidad na mangyari sa ating bansa.

Samantala, naging parte naman umano sa kanilang ginawang training ang ibat-ibang Head ng Municipal Government Offices sa Malay na kinabibilangan ng Boracay at Malay PNP, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Philippine Maritime, Malay Auxiliary Police o MAP, Consultant  ng ibat-ibang grupo katulad ng Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers, Transportation group at iba volunteer groups.

Kalakip nito, ang iba’t- ibang grupo ay kanilang isinailalim sa pagsasanay para sa paghahanda sa panahon ng mga sakunang posibleng  mangyari sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.                                                     

No comments:

Post a Comment