YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 12, 2016

Boracay PNP, naka-full alert status kaugnay parin sa illegal drugs

Posted November 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Dahil sa mas pinaigting na kampaniya ng Duterte administration na sugpuin ang krimen at illegal drugs sa bansa, naka-full alert status naman ngayon ang himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) may kaugnay sa iligal na droga.

Itong pahayag ay naging topiko kanina sa Boracay Good News ng Yes Fm kung saan naging pangunahing tagapagsalita dito ay sina Boracay PNP Deputy Chief PSInp. Mark Anthony Gesulga and Police Community Relations Officer SPO1 Christopher Mendoza.

Nabatid na naka-focus sila ngayon na masugpo ang iligal na droga sa isla ng Boracay, patunay dito ang mga naging operasyon nila nitong nakalipas na araw kung saan kanilang nahuli ang ilang mga gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa isla.

Ayon kay Gesulga, 80 porsyento umano sa mga nadadakip sa isla ng Boracay may kaugnayan sa iligal na droga ay dayo kung saan 10  naman dito ang mga residente ng isla.

Dahil dito, hinihikayat nila ngayon ang publiko na makisama at ipagbigay alam sa mga otoridad kung sino ang patuloy na lumalabag sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Samantala, nagpapasalamat naman ang kanilang himpilan sa mga Barangay Official at paaralan dito dahil isa rin ang mga ito sa tumutulong sa kanila para mapalawig pa ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Sa ngayon, may apatnapu’t limang idinagdag na Police Officer ang PRO 6 sa Boracay para mabantayan ang seguridad ng buong isla.

No comments:

Post a Comment