Thursday, November 17, 2016

Taiwanese national, huli sa buy- bust operation sa Boracay

Posted November 17, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay 


Image result for buy bust operation jpeg
Huli ang isang Taiwanese National matapos magsagawa ng buy- bust operation ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Malay MPS at MARPSTA kaninang ala-una ng madaling araw sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag, Boracay.

Kinilala ang biktima na si Wei Tang Yao alyas “Julian”, 54- anyos , temporaryong nakatira sa naturang lugar.

Nakuha ang isang sachet ng suspected shabu kapalit ng isang libong buy bust money kung saan may isinagawa pang body search sa kanya. Nakuha pa dito ang apat na sachet ng suspected shabu.

Sa ngayon, ang suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng Boracay PNP at nakatakdang sampahan ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

No comments:

Post a Comment