Posted November 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Humingi ngayon ng
tulong ang Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc., sa mga
miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon sa 18th Regular session ng SB
Malay kaugnay sa mga talamak parin na
illegal commissioner na nag-ooperate dito sa isla ng Boracay.
Sa sulat na ini-abot
kay SB Member Dante Pagsuguiron, nakapaloob dito ang kanilang pagkabahala sa lumalalang
sitwasyon kung saan ang mga illegal commissioner umano ay naglilibot sa isla at
nag-aalok sa mga bisita ng water sports activity na taliwas sa tamang presyo.
Dagdag pa dito,hindi
raw akma sa publish rates na pinagkasunduan ng mga asosasyon at ito ang
nagiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan.
Ayon kay
Pagsuguiron, nagbabagsak daw ng rate o presyo ang ilang komisyuner dahilan para
sa kanila mapunta ang guest depende narin sa kanilang pag-uusap at
napagkasunduan.
Nabatid na gustong
ipaabot ng sulat para mabigyan ito ng kaukulang aksyon ng lokal na pamahalaan
ng Malay lalo na at marami na namang nabibiktima ang mga komisyoner.
Samantala, ayon
naman kay SB Member Floribar Bautista, may mga commissioner naman na sa gabi na
nangungulekta ng bayad at hindi na nagpapakita pagsapit ng umaga. May pinatupad
umano sila na ordinansa hinggil dito subalit 2 hanggang 3 araw lamang nasusunod
subalit nakalimutan din.
Ani Bautista,
implementasyon ang kulang dito at kailangan na bigyang pansin ito at aksyon ng
Malay Tourism Office.
Ayon sa kanya,
i-demolish na lang ang tanggapan ng Tourism kung wala itong solusyon sa mga
nangyayari.
Kaugnay nito, nagrekomenda
naman ang ilang miyembro ng Sanggunian na maglagay na lamang ng malaking signage ng malaking Published Rate
sa marketing area para wala ng manloloko at kasabay nito ay ipapatawag din ang
Seasports Association at si Malay Chief
Tourism Operation Officer Felix Delos Santos sa susunod na session.
No comments:
Post a Comment