Wednesday, November 16, 2016

Problema sa Illegal Commissioner dapat gawan ng solusyon ng Tourism Office- SB Bautista

Posted November 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for caticlan ilog“Ano ba ang ginagawa ng Tourism Office?”

Ito ang sinabi ni SB Floribar Bautista sa sesyon na ginanap kahapon sa SB Malay kung saan ito reaksyon ng huli sa naging laman ng Privilege Speech ni SB Dante Pagsuguiron kaugnay sa sulat na ipinadala sa kanya ng asosasyon ng Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide.

Sa sulat na binasa ni Pagsuguiron, ipinaabot ng kanilang asosayon ang kanilang pag-alala sa mga iligal na commissioners na maliban sa pagbagsak ng presyo ay nanloloko pa ng mga bisita.

Labis naman ang pagkadismaya ni SB Bautista sa naturang usapin kung saan kinwestyon nito ang opisina ng Municipal Tourism Office kung ano ba ang kanilang ginagawang hakbang hinggil sa problemang ito.

Ayon kay Bautista, dapat ipatawag ang opisina ng Tourism at ilatag ang mga solusyon o hakbang para matigil na ito.

Dagdag pa nito na dapat tuloy-tuloy ang kanilang implementasyon sa ganitong problema dahil hindi lang ang turista ang naaapektuhan kundi ang imahe ng number 1 tourist destination na isla ng Boracay.

Samantala, nakatakdang ipatawag sa susunod na sesyon ang lahat ng kompanya ng sea sports activity at opisina ng Municipal Tourism Office.

No comments:

Post a Comment