Thursday, November 17, 2016

Possible site na pagtatayuan ng Iloilo-Guimaras Bridge, pinag-aaralan na

Posted November 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for iloilo guimaras bridgePinag-aaralan na umano ng Chinese investors ang possible site na pagtatayuan ng tulay na mag-uugnay ng Iloilo at Guimaras Island.

Ito ang kinumpirma ni Buenavista Guimaras Mayor at League of Municipalities (LMP)-Guimaras Chapter  President Eugene Reyes, kung saan sinabi nito na nakapunta na ang mga  Chinese Engineers mula China Roads and Bridges Cooperation para sa naturang proyekto.

Nabatid na may apat na umanong posibleng site na ipinakita ang mga ito na kinabibilangan ng Ortiz City Proper papuntang Jordan Guimaras, Bario Obrero Lapuz papuntang Brgy. Sawang Buenavista Guimaras, Ingore Lapaz papuntang Brgy. Taminla Buenavista Guimaras, at Leganes, Iloilo papuntang Brgy. Tacay o Getulio sa Buenavista, Guimaras.

Kaugnay nito, patuloy rin  nilang pinag-aaralan ang kuryente at lebel ng tubi na siyang titignan at pagbabasehan sa magiging disenyo ng tulay.

Ayon pa kay Mayor Reyes, inaalam pa nila kung kailan uumpisahan ang Phase 1 na proyekto sa lugar kung saan sakaling matapos na ito ang susunod naman na gagawin ay ang Phase 2 na mag-uugnay sa Guimaras at Negros Island.

Samantala, ang proyektong tulay ay may inisyal umano na budget na P 150-Million.

No comments:

Post a Comment