YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 14, 2016

Bilang ng may pinakamaraming kaso ng Dengue sa Aklan, naitala sa bayan ng Kalibo at Malay- PHO

Posted November 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dengueIsa ngayon ang bayan ng Malay at Kalibo ang may naitalang may pinakamataas na kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan. Ito ay base sa rekord ng Provincial Health Office (PHO).

Nabatid na mula Jan. 1 hanggang Nov. 2 ay may bilang na itong 1,492 na tumaas ng 58 %  mula sa 946 na kaso ng dengue taong 2015.

Kaugnay nito, sa kabuuan, ang Kalibo ang may pinaka-mataas na naitalang kaso ng dengue na may 315, o 21 %. Habang ang Malay naman ang sumunod dito na may 140, ayon sa Provincial Epidemiology Surveillance and Response Unit.

Samantala, sinundan naman umano ito ng tatlo pang bayan ng Banga na may 112, Numancia 105 at Ibajay na 104.

Napag-alaman na isang anim na taong gulang na bata magmula dito sa Malay ang namatay sa isang pribadong ospital sa Kalibo dahil sa naturang sakit.

Samantala, upang maiwasan ang pagkakaroon ng dengue virus, payo ng PHO sa publiko, na gawin ang 4'o clock habit kabilang na ang paglilinis sa paligid na posibleng tirahan ng mga lamok.

No comments:

Post a Comment