Posted November 19, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Inaprobahan na sa 14th Regular Session ng Sanguniang
Panlalawigan (SP) Aklan ang ordinansa patungkol sa Mosquito Borne Diseases.
Nabatid na itong usapin sa pangangasiwa ni Vice Governor
at Presiding Officer, Atty. Reynaldo M.
Quimpo, ay naipasa para maiwasan at makontrol ang mosquito borne diseases sa
probinsya ng Aklan.
Layunin ng nasabing programa na maipaalam sa publiko kung
paano makaiwas sa lumalaganap na sakit tulad ng dengue, chikungunya, at zika
virus. Pinag-usapan din dito kung ano
ang pinagmumulan ng mga sakit, kung ano ang pagkakaiba ng mga ito at kung ano
ang mga sintomas nito, kabilang dito ang pagkakaroon ng lagnat, muscle pain,
joint sweeling, at pagkakaroon ng rashes.
Ang naturang ordinansa ay inispinonsoran ni Hon.Nelson Santamaria, Chairman ng Committee
on Health and Social Services.
No comments:
Post a Comment