YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 18, 2016

Ibat-ibang aktibidad para sa 2017 Kalibo Ati-atihan Festival, inilatag na

Posted November 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Kalibo Santo Niño Ati-Atihan FestivalInilatag na ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival (KASAFI) organizer ang iba’t-ibang aktibad para sa tinaguriang “Mother of All Philippine Festival” sa Enero 6 hanggang 15 2017.

Ayon kay KASAFI Chairman Albert Meñez, nasa final stage na umano ang kanilang preparasyon dito kung saan sa Enero 6, sisimulan ang nine-day devotional novena, parish visitation ng Santo Niño, tradisyunal paeapak at search for Mutya ng Kalibo Ati-atihan 2017.

Narito ang iba pang mga sumusunod na skedyul sa naturang event;

Enero 7 Kalibo red hot party, sikad karera para sa mga mahilig sa bike.

Enero 8 car show, bikers rally at Ati-atihan fun run.

Enero 9 mag-uumpisa ang hala bira Atiatihan nights at ang pagbubukas ng Aklan Visual Arts Exibit, Street Bazaar, products showcase, sarok film fest at Ati-atihan float parade.

Enero 10 pagdayaw kay Senior Santo Siño kung saan  lalahukan ito ng halos lahat ng Private at Public Schools ng lalawigan.

 Enero 11 at 12 naman ang Aklan Higante Contests at Dep-ed sinaot sa kalye.

Enero 13, buong araw na sad-sad pagpasalamat kay Senior Santo Niño.

Enero 14 bisperas, dawn penitential procession at sadsad Ati-atihan dancing contest

Enero 15 ang pag-transfer ng Santo Niño Image, pilgrims mass, sadsad at religious procession.

Samantala, ang highlight ng naturang Festival ay sa darating na Enero 14 at  15 kung saan maglalaban-laban ang mga grupo na kinabibilangan ng Tribal Big and Small, Balik-Ati, Modern Groups at Individual Street Dancing Contest.

No comments:

Post a Comment