Tuesday, October 25, 2016

Wedding planner, pinagtangkaang papatayin kung hindi makapagbigay 100K

Posted October 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for threatTakot parin ngayon ang nararamdaman ng isang wedding planner matapos itong makatanggap ng tawag na siya ay papatayin kung hindi makapagbigay ng 100K.

Nakilala ang biktima na si Ronald Socio, 44-anyos native ng Davao City at temporaryong nakatira sa Brgy. Yapak Boracay.

Sa salaysay ng biktima sa mga pulis ng Boracay PNP, nakatanggap umano siya ng tawag mula sa hindi kilalang cellphone number na may gusto umanong pumatay sa kanya kung saan sinabihan pa umano ito na magbigay nalang ng P100K para hindi siya mapatay.

Dahil sa takot na baka totohanin ng suspek ang banta nito ay minabuti ng biktima na isumbong ito sa mga otoridad.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing reklamo.

No comments:

Post a Comment