Posted October 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay
Sa power advisory
ng Aklan Electric Cooperative, Incorporated o AKELCO, magkakaroon ng brown out
sa magkaka-ibang lugar sa Boracay simula bukas petsa-26 hanggang 27 ng Oktubre.
Nabatid na ang
mga apektadong lugar simula bukas ng alas- 4 ng umaga hanggang alas-6 ng umaga
ay ang PNP Line Section, La Carmela, Aloha, Alice in Wonderland, Penjalo at
Roques Place habang limang minutong brownout naman ang mararanasan mula alas-4
ng madaling araw hanggang alas-5 ang Boracay Subtation papuntang Manoc-manoc
proper o Feeder 14, habang isang araw namang brownout ang mararanasan ng Alargo
at Crimson Tide Resort.
Samantala, sa
Oktubre 27 alas-8 ng umaga hanggang alas- singko ng hapon ay walang suplay ng
kuryente ang Lapuz-lapuz to Brgy. Yapak kasama ang Fairways, Ambassador, The
Linds, Shangrila at Movenpick.
Maliban dito
limang minuto ring brownout ang Boracay Sub-station going to Yapak sa Huwebes
simula alas-8 ng umaga hanggang alas-8:05.
Nabatid na ang
mga nakatakdang power interruption ay dahil sa mga gagawing line clearing,
isolation process, at relocation ng 8 poles.
Kaugnay nito,
ipinapa-abot naman ng AKELCO sa mga residenteng apektado ng brownout na maghanda
at e-charge agad ang mga baterya ng kanilang mga kagamitan.
No comments:
Post a Comment