Tuesday, October 25, 2016

Top 1 drug personality sa bayan ng Nabas na nakatakas sa Police Station sumuko sa Mayor

Posted October 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image result for kulunganMismong sa Mayor ng bayan ng Nabas na si James Solanoy buluntaryong sumuko ang top 1 drug personality na si Ranil Magcuha alyas "Padoy".

Ito’y matapos siyang tumakas sa loob ng Police station noong nakaraang Huwebes kung kayat kahapon ay nag surrender na ito sa Provincial Prosecutor's Office kasama ang alkalde at ang kanyang legal counsel.

Sa panayam sinabi mismo ni Magcuha kung paano siya nakatakas sa loob ng Police station kung saan ayon dito masyado umanong maluwag ang posas na ginamit sa kanya.

Tumakas si Magcuha alas 4 ng madaling araw nitong Huwebes matapos siyang mahuli sa isang drug buy bust operation kung saan napag-alaman na isa siya sa mga sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP.

Ayon pa kay Magcuha tumakas siya dahil sa takot na baka patayin siya sa loob ng BJMP dahil sa kanyang pagiging asset ng mga kapulisan.

Samantala, tinitingnan pa ngayon ng mga pulis kung sasampahan ng kaso ang suspek dahil sa kanyang pagtakas.

No comments:

Post a Comment