Wednesday, October 26, 2016

Magkapatid na turista sa Boracay, nabiktima ng Commissioner

Posted October 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafaPanibago na namang Commissioner ang inireklamo ng dalawang turistang magkapatid sa kanilang kinuhang water sports activity sa harap ng isang hotel sa Station 2.

Kinilala ang dalawang magkapatid na biktima na sina Mary France Paula Relucano at Mary France Dyan Relucano, native ng Santa Cruz Laguna at temporaryong nakatira sa isang hotel sa naturang lugar.

Sa report ng biktima sa Boracay PNP, pinangakuan umano sila ng suspek na si certain “Jesvin” ng tatlong water sports activity kahapon kung saan ito ay Island Hopping, Helmet Diving at Parasailing.

Nabatid na nagbayad ng P 1,000 ang biktima sa suspek para sa kanilang downpayment kung saan kanila namang ginawa ang dalawang activity na Island Hopping at Helmet Diving.

Matapos nito ay hiningan umano ng suspek ang dalawa ng P 1, 400 para sa kanailang Parasailing activity kung saan na binayaran naman ng mga ito subalit ng sila na ay magkikita para gawin ang Sports activity ay hindi na ito nagpakita.

Samantala, agad naman nila itong inireport sa Boracay PNP kung saan patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para tugusin ang nasabing suspek.

No comments:

Post a Comment