Posted October 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang
aktibong operasyon ng mga mga kapulisan sa isla it Boracay.
Ito’y matapos silang maka-aresto ng 25 mga Taiwanese at
Chinese national noong nakaraang mga buwan sa isinagawang drug operation sa
isla ng Boracay.
Isang resolution na nagbibigay ng komendasyon ang
iginawad ng Panlalawigan sa mga kasapi ng kapulisan.
Nabatid na ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng
Malay PNP sa pamumuno ni Chief Insp. Mark Evan Salvo, BTAC chief Sr. Insp. Jess
Baylon at Aklan Public Safety Company at PNP Maritime group.
Nagpapasalamat naman ang mga ito sa pagkilala sa kanila
ng probinsya ng Aklan partikular ang Sangguniang Panlalawigan.
No comments:
Post a Comment