Thursday, October 27, 2016

Brgy. Caano ng Kalibo nanalo sa kauna-unahang Obrati Contest ng Kbp Aklan Chapter

Posted October 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nauwi ng contestant mula sa brgy. Caano sa bayan ng Kalibo ang grand prize na P5,000 sa kauna-unahang ObrAti contest ng KBP Aklan chapter.

Sa apat na mga sumaling contestant mula sa ibat-ibamg brgy. sa Kalibo ang Caano ang siyang nangibabaw sa mata ng mga hurado mula sa ibat-ibang radio station sa Aklan na kasapi ng KBP.

Nauwi naman ng Brgy.  Bakhaw Norte ang 2nd place na may halagang P3,000 habang P2,000 naman ang nakuha ng Brgy.  Pook na siyang nanalong 3rd place at P1,000 pesos naman sa brgy. Linabuan Norte bilang consolation prize.

Ang mga apat na brgy. na sumali ay mayroong isang model at isang artist kung saan kinulayan ang mga ito ng kulay Ati at sinuutan ng costume na kadalasang nakikita tuwing Ati-Atihan Festival.

Nabatid na ang ObrAti contest ay bilang pakiisa sa selebrasyon ng ika 445th Foundation Day ng bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment