Saturday, October 29, 2016

Dahil sa nangyaring insidente, Jetty Port isasailalim sa briefing ang lahat ng mga empleyado

Posted October 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for jettyport caticlanNapagkasunduan ngayon ng Jetty Port Administration na magsagawa ng mga briefing para sa kanilang mga empleyado at frontliners sa pamumuno ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang. 

Ito’y matapos ang nangyaring insidente kung saan isang Aklanon ang nagreklamo sa kanilang tanggapan matapos na bastusin umano ito ng isang collector at singilin ng P50 na terminal fee at karagdagang P100.

Dahil dito napagkasunduan umano nina Maquirang na isailalim sa briefing ang kanilang mga empleyado upang hindi na maulit ang nasabing insidente.

Sa ngayon kasalukuyang naka-suspendi na rin ng limang araw ang naturang collector na naka-talaga sa Caticlan Jetty Port.

Kaugnay nito muling palala ni Maquirang na kapag ikaw ay dadaan sa nasabing pantalan at ikaw ay isang Aklanon kailangan umanong magpakita ng ID upang hindi na magbayad ng Environmental at Terminal fee.

No comments:

Post a Comment