Tuesday, October 25, 2016

Oplan Undas ng Caticlan Jetty Port ikinakasa na

Posted October 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for OPLAN uNDAS 2016Ikinakasa na ng Caticlan Jetty Port Administration ang preparasyon para sa “Oplan Undas” 2016.

Katunayan nakahanda na silang maglatag ng Public assistance desks para sa mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga lugar upang dumalaw sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ang assistance desks ay kinabibilangan ng Philippine Army, Philippine Coastguard at mga medical team.

Inaasahan umano ng Jetty Port Administration na magsisimula ng bumuhos ang dami ng mga pasahero sa pantalan dahil simula ngayong araw ay wala ng pasok sa mga paaralan.

Samantala, todo higpit naman ngayon ang seguridad sa pantalan lalo na sa mga Roro-vessel na dadaong sa Caticlan Jetty Port.

Ang “Oplan Undas” ng Jetty Port ay taunang ginagawa para sa pagbibigay serbisyo sa kanilang mga pasahero.

No comments:

Post a Comment