Posted October 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa maayos na serbisyo publiko at magandang
pamamalakad sa kanilang mga lugar pitong bayan sa Aklan kasama ang probinsya sa
mabibigyan ng parangal ng Department of Interior and Local Government (DILG) 6.
Ito’y matapos silang makapasok sa Seal of Good Local
Governance (SGLG) ng DILG kung saan kinikilala nito ang katapatan at kahusayan
ng pamahalaang lokal.
Sa region 6 ang mga panalong probinsya ay ang Aklan,
Capiz at Iloilo habang sa City naman ay Iloilo City at Roxas City.
Maliban dito muli na namang nanalo ang bayan ng Banga sa
Aklan kasama ang Ibajay, Kalibo at Malay kung saan kabilang din sa nakapasok
ngayong taon ang mga bayan ng Batan, Buruanga at Tangalan.
Sa probinsya naman ng Antique panalo dito ang Bugasong, Culasi,
San Jose de Buenavista, at Sibalom habang sa Capiz naman ay ang bayan ng
Dumarao at Mambusao at sa Iloilo ay ang mga bayan ng Bingawan, Dingle, Mina, New
Lucena, Oton at Zarraga.
Ang SGLG ay taunang ginagawa sa buong probinsya sa Region
6 kung saan isinasailalim sa evaluation ang mga bayan at kapitolyo upang
malaman ang husay nila sa pamamalakad sa kanilang mga lugar.
Samantala, ang mga nanalong lugar ay nakatakdang mabigyan
ng parangal sa susunod na buwan kung saan kabilang sa kanilang matatanggap ay
pera dipende sa kanilang mga napanalunang kategorya.
No comments:
Post a Comment