Posted October 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Itinitulak ngayon ang paglalagay ng free wifi sa buong Probinsya
upang mapalakas ang Information Communication Technology sa Aklan.
Ito ang napag-usapan sa isinagawang Capacity Developmet
Workshop for Aklan ICT council and stakeholders ng Department of Information
and Comm
unication Technology (DICT) sa bayan ng Kalibo kahapon.
Pinangunahan mismo ni Monchito Ibrahim Executive
Consultant to the Secretary ng DICT ang nasabing workshop.
Ayon kay Under Secretary Ibrahim may malaki umanong
potensyal ang Aklan para ma-develop ang mga bagong teknolohiya sa pamamagitan
ng paglagay libreng wifi sa mga pampublikong lugar.
Maliban dito naniniwala umano siya na magdadala ng
madaming trabaho sa buong Aklan ang proyektong ito sakaling maisakatuparan na.
Nabatid na tanging ang Probinsya nalang ng Aklan ang
walang ganitong programa sa buong western visayas sa kabila ng karamihan sa mga
tao ngayon ay gumagamit na ng mga gadgets.
No comments:
Post a Comment