Saturday, October 29, 2016

Kaliwat-kanang Halloween Party sa Boracay inaabangan na

Posted October 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for halloween party sa BoracayMapupuno na naman ng kakatakutan ang isla ng Boracay ngayong bisperas ng Undas dahil sa kaliwat-kanang Halloween Party na inihanda ng mga business establishment.

Dahil dito inaabangan na ng mga taga isla ang naturang okasyon maging ng mga turista kung saan taon-taon itong ginagawa sa Boracay.

Ang Mtour Malay ay inaasahan naman ang pagdagsa ng maraming turista sa isla ng Boracay dahil sa long week-end .

Samantala, plantsado na rin ang seguridad sa Boracay maging sa mga pantalan kung saan naglatag na rin ang mga otoridad ng kanilang mga Oplan Undas Public Assistance disk. 

No comments:

Post a Comment