Posted October 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Dahil sa
pagturn-over ng Farm-C sa Manoc-manoc, nakatakda ito ngayong i-ocular
inspection ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng Malay.
Ito ay para
malaman umano nila kung ano na ang nangyayari sa area kung saan pinag-uusapan
nila ito ngayon sa komite.
Kung matatandaan
naging topiko ito sa Privilege Speech ni SB Member Dante Pagsuguiron, noong
nagdaang 15th Regular Session kung saan ibinahagi niya dito ang nakasaad sa Memorandum
Order na ang FARMC ay papalitan na ng bagong mamamahala sa katauhan ni Joel
Gelito na ayon na rin sa utos ni Mayor Cawaling.
Nabatid na ang
Farm-C ay isang NGO na namamahala sa mga fish santuary na pinupuntahan ng mga
turista para sa kanilang Snorkeling Activity.
Sa ngayon samu’t-saring
reaksyon ang ibinahagi ng mga miyembro
ng komitiba kung saan mas mabuting tingnan muna ang area at ipatawag ang mga
involve na departamento para maliwanagan ang lahat.
Dahil dito napagkasunduan
na itakda sa susunod na session sa Nobyembre 15 ang usaping ito kung saan nais ni
Vice Mayor Abram Sualog na imbitahan ang opisina ng Treasurer at Accounting Office
para imbestigahan kung saan naman napunta ang pera na mahigit P 1.5-Million na koleksyon
ng Farm-C na susundan ng gagawing ocular inspection.
No comments:
Post a Comment